totbabols…

mga kwento ng sarili.

Post Muli. Agosto 19, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 12:34 hapon

Long-time-no-post.

Ipagmamalaki ko lang sana ang ilan sa mga nagawa kong anim-na-salitang kuwento sa MPs – which, in my opinion, ang pinaka-astig na anyo ng isang kwento.

Eto sila:

1.Job Offering Ng Anak-Mayamang

Spoiled Teenager Na Nakabuntis

Wanted: Naglalaglag ng bata.

Apply inside.

 2.Busy

Full-time supervisor.

Part-time ina.

Part-time asawa.

 3.Busted

Bigay todo. Sunod todo.

Iyak todo.

 

4. One-way na Pag-ibig

Ang nagmamahal:

Makata.

Madrama.

Masaya.

Ilusyonada!

 5. One-way na Pag-ibig (ikalawang bahagi)

Ang minamahal:

Deadma.

Nakatingin sa iba.

 6. Ano Ang Nangyayari Sa Estudyanteng

Nagpapakalunod Sa Mababaw Na Pag-Ibig?

Utak: Matubig.

Grado: Madugo.

Pangarap: Naglaho.

 

Medyo puro tungkol sa pag-ibig ang mga nagawa kong kuwento, inspirasyon ko kasi ang mga kantang ‘A Woman’s Worth’ at ‘Drowning’ dito, kaya ayun.

 

*****

pahabolBabol: Sabi ni Pastor Oriel: When Jesus comes back, he won’t be arriving with His cross. He’ll come riding on His horse while gathering His people.

Sabi ko naman: Wow! Equestrian pala si Jesus. Hehe…

Pero di nga, excited ako sa pagdating ng araw na ‘yun, sana ikaw rin.

 

Random Babols Agosto 19, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 12:32 hapon

 Gaya-gaya ‘ko sa isang Answer for the Day ni Gracie:

Question: Who are your crushes? Rank them.

Answer:

Top 1 crush: A dragon. He’s currently roaming a foreign land.

Top 2 crush: A Math major. Basta, matalino siya.

Top 3 crush: A Comm. Research major (ata.). Member ng Praise and Worship Team ng Doulos. Kamukha niya si Rico Yan sa malayo.

 

Minsan lang ako magka-crush at sa maikling panahon ko lang sila nagiging crush kaya pagbigyan niyo na ‘ko. Siguro sina Top 2 at Top 3 crushes ay mga two months ko lang magiging crush. Si Top 1 lang ata talaga ang pinaka matagal.

 

***

Gusto ko lang i-express ang kasiyahan ko sa naganap na batch pictorial namin last Monday. Ang saya! Nakakalungkot lang kasi may ibang hindi nasama sa mga pictures…. Sana magkaroon din kami ng outing!

i-Math peeps.

 

***

Yehey! Finally I have a specific topic to work with for my thesis paper. It’s about the decomposition of a non-singular matrix involving a skew-coninvolutory matrix. Marami-rami pa akong kailangang gawin para dito upang makasama sa colloquium on October, pero kayang-kaya! Mag-sa-start na kaming mag-report individually kay Dr. Abara sa Wednesday. Medyo excited na ako, pero kinakabahan rin ng kaunti.

***

“‘Cause a face without freckles,

Is like the sky without the stars.

Why waste a second not loving who you are?

Those little imperfections make you beautiful, lovable, valuable.

They show your personality inside your heart,

Reflecting who you are.” – Freckles, adik sa kanta ni Natasha Bedingfield

 

Kuwento. Hulyo 26, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 10:12 umaga

 

Pinagawa kami sa Mps 10 ng isang kwento inspired by any E-heads song na may limit na 100-200 words. Eto ang kinalabasan ng akin. ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’ ang ginamit kong kanta.

 

Dilim at Ingay

 

Sanay na siya sa dilim. Bombilyang maliit lang kasi ang gamit nilang ipinakikisaksak pa sa kapitbahay na may jumper. Sanay rin siya sa ingay. Sa kanila, kahit hatinggabi’y maraming nag-iinumang di naaawat sa videoke. Sanay na siya.

Ang ikinabubugnot niya’y ang kawalan niya ng magawa sa araw na ‘yon. Nakapangalumbaba siya sa mesa’t nakaupo sa silyang kahoy habang sinasabayan ang awitin sa de-baterya niyang radyo.

Minsan pa ulan,

Tumigil ka’t

H’wag nang tumulo pa…

Masamang araw ito para sa kanya. Imbes kasing naglalako siya ngayon ng gulay, heto siya’t walang magawa. Ano kayang pera ang ipampipila niya bukas sa bigas? Bahala na. May kalahating kilo pa naman yata sila diyan.

Hatid mo ay bagyong

Sumisira sa bahay kong

Natutuklap…

Naisip niyang madasalin siguro’ng mga estudyante. Hindi naman kasi sila pakikinggan ng langit kung hindi sila sabay-sabay nananalanging mawalan ng pasok. Mahirap kaya talaga’ng mag-aral? Mas mahirap pa sa ginagawa niyang paghahanap-buhay araw-araw?

Isang yero’ng humampas sa gilid ng kanilang bahay.

Ang tubig mo’y umaapaw,

Ang bahay ko’y sumasayaw

Sa baha…

Inangat niya ang makakalyong paa’t tinanggal ang mumunting basurang nagsidikit dito. Nayakap niya’ng sarili. Nilalamig na siya.

 

Tuwing umuulan at –.

 

“Gina! Bubong natin, dali!”

Napalundag siya sa kinauupuan. “Opo ‘Nay!”

 

 

Revised edition na ‘yan dahil umabot sa 250 words yung draft ko, e bilang mahigpit si teacher Vlad sa mga lumalampas sa word limit. Sana naihatid ko ang mensaheng gusto kong ipahatid mula sa kwentong ito.

Ginawa ko yan after ng D-cell (Discipleship cell) namin ni naynay Michi. Namomroblema na nga ‘ko dahil gabi na, wala pa rin akong kwento. Pero iba pala talaga ang pasok ng ideya kapag maluwag ang dibdib mo, dahil naihinga mo ang bigat ng ‘yong damdamin sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. July 22, 2008. First D-cell namin ‘yon at sobrang memorable talaga dahil ang dami naming nai-share sa isa’t isa. Kaya naman, I sooper love D-cell! Hehe. And I super love naynay! Iba kapag si God ang nagmi-minister sa inyo habang kayo’y nag-uusap. Iba talaga.

 

 

pahabol-babol: sa Tuesday na ang ikalawang math-giyera ng semester…

sa Wednesday naman ang ikatlo.

at sa Friday ang ikaapat.

Kaya ko ‘to! Hindi ako kakabahan. =>

 

tulong. Hulyo 21, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 11:03 umaga

i guess i need someone to help me with my blog’s layout. wala na talaga akong time para sa mga bagay-bagay. at ngayon binibigyan ko na naman ang sarili ko ng dagdag pang gawain. magtuturo ako. ng mga koreans. it seems like they’re very stict when it comes to time pa naman.  bawal ma-late. okay na rin siguro ito para ma-train ko ang sarili kong dumating on-time sa mga dapat puntahan. mahirap man, alam kong kasama ko’ng TataY God ko. i know that He won’t leave me.  at dahil dyan…

hindi ako kakabahan! Go ginggang!

p.s. ang weird ng feeling kapag binabanggit ko ang matagal ko nang di ginagamit na palayaw. :p