Kalian lang nalaman ko na ang most favorite GE teacher ko pala, na teacher ko sa Malikhaing Pagsulat 10(MPs 10), ay dati ring math major. Nag-shift lang sya ng course kaya nasa Departamento ng Filipino siya ngayon. Nakakatuwa lang ma-realize na ang mga taong math ang hilig, katulad ko, ay talentado rin pagdating sa ibang bagay—tulad ng pagsusulat. Natutuwa ako sa teacher ko dahil nagawa niyang mag-excel sa kursong iniiwasan ang nakararami at ngayon ay nag-eencourage pa sa tulad kong kabataan na maging bahagi ng panitikan ng Pilipinas.
Dahil sa MPs 10 ko ngayon, naii-stimulate akong gumawa ng kwento at tula (sa future) na kahit kailan ay hindi ko naman talaga napapagtiyagaang gawin. Na-inspire din akong mag-blog dahil dito. Na-realize kong ang saya pala magsulat! Ma-paper man ang MPs 10, siya ‘yung tipong masaya gawin at ‘di tulad ng papers ko sa ibang GE subjects, ibang kaligayahan ang naidudulot sa ‘kin ng pagbabasa at pagpapasa ng mga naisulat ko sa MPs. So far, uno-standing pa rin kami ni Gracie. Yey! Sana ma-maintain namin until the end of the sem.
Rubie Writer!