totbabols…

mga kwento ng sarili.

Limampu. Agosto 2, 2008

Isinalansan sa: self — rubie @ 10:08 umaga

Pinagawa kami ng kwento na meron lamang 25-50 salita. Pinapili kami ni sir kung ano ang gusto naming gawing inspirasyon sa kwento namin. Pwedeng ‘yung mga art exhibit sa Galleria 1 ng Faculty Center o kaya ay ‘yung pinapanood niya sa ‘ming first episode ng Visionaries—isang cartoon.

 

Dahil hindi ko na nasilip ang mga exhibit sa Galleria 1, nag-decide akong gumawa na lang ng kwento inspired by Visionaries(na medyo na-hook ako sa first ep.) at ng aking mudra. Eto siya:

 

Negosyo

 

 

Sabay tayong nangarap magkanegosyo. May pampuhunan ka. Ako’y wala. Maghapon mo akong kasama sa pagpapalago ng iyong negosyo. Pati oras ko sa ‘king pamilya’y iyo na.

Pamilya ko’y kinailangan ako kaya’t binalikan ko sila. Lumayo muna ako sa ‘yo. Alam ko, ‘di mo man sabihin, kuwentado mo’ng mga utang ko.

 

 

Eto ang punto ng aking kwento:

Isang pagkakaibigang nasira dahil sa pera at pagka-makasarili ng isa.

 

 

Leave a Reply