Pinagawa kami sa Mps 10 ng isang kwento inspired by any E-heads song na may limit na 100-200 words. Eto ang kinalabasan ng akin. ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’ ang ginamit kong kanta.
Dilim at Ingay
Sanay na siya sa dilim. Bombilyang maliit lang kasi ang gamit nilang ipinakikisaksak pa sa kapitbahay na may jumper. Sanay rin siya sa ingay. Sa kanila, kahit hatinggabi’y maraming nag-iinumang di naaawat sa videoke. Sanay na siya.
Ang ikinabubugnot niya’y ang kawalan niya ng magawa sa araw na ‘yon. Nakapangalumbaba siya sa mesa’t nakaupo sa silyang kahoy habang sinasabayan ang awitin sa de-baterya niyang radyo.
Minsan pa ulan,
Tumigil ka’t
H’wag nang tumulo pa…
Masamang araw ito para sa kanya. Imbes kasing naglalako siya ngayon ng gulay, heto siya’t walang magawa. Ano kayang pera ang ipampipila niya bukas sa bigas? Bahala na. May kalahating kilo pa naman yata sila diyan.
Hatid mo ay bagyong
Sumisira sa bahay kong
Natutuklap…
Naisip niyang madasalin siguro’ng mga estudyante. Hindi naman kasi sila pakikinggan ng langit kung hindi sila sabay-sabay nananalanging mawalan ng pasok. Mahirap kaya talaga’ng mag-aral? Mas mahirap pa sa ginagawa niyang paghahanap-buhay araw-araw?
Isang yero’ng humampas sa gilid ng kanilang bahay.
Ang tubig mo’y umaapaw,
Ang bahay ko’y sumasayaw
Sa baha…
Inangat niya ang makakalyong paa’t tinanggal ang mumunting basurang nagsidikit dito. Nayakap niya’ng sarili. Nilalamig na siya.
Tuwing umuulan at –.
“Gina! Bubong natin, dali!”
Napalundag siya sa kinauupuan. “Opo ‘Nay!”
Revised edition na ‘yan dahil umabot sa 250 words yung draft ko, e bilang mahigpit si teacher Vlad sa mga lumalampas sa word limit. Sana naihatid ko ang mensaheng gusto kong ipahatid mula sa kwentong ito.
Ginawa ko yan after ng D-cell (Discipleship cell) namin ni naynay Michi. Namomroblema na nga ‘ko dahil gabi na, wala pa rin akong kwento. Pero iba pala talaga ang pasok ng ideya kapag maluwag ang dibdib mo, dahil naihinga mo ang bigat ng ‘yong damdamin sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. July 22, 2008. First D-cell namin ‘yon at sobrang memorable talaga dahil ang dami naming nai-share sa isa’t isa. Kaya naman, I sooper love D-cell! Hehe. And I super love naynay! Iba kapag si God ang nagmi-minister sa inyo habang kayo’y nag-uusap. Iba talaga.
pahabol-babol: sa Tuesday na ang ikalawang math-giyera ng semester…
sa Wednesday naman ang ikatlo.
at sa Friday ang ikaapat.
Kaya ko ‘to! Hindi ako kakabahan. =>
Naasar ako sa version ni Regine sa song na yan.