totbabols…

mga kwento ng sarili.

Kuwento. Hulyo 26, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 10:12 umaga

 

Pinagawa kami sa Mps 10 ng isang kwento inspired by any E-heads song na may limit na 100-200 words. Eto ang kinalabasan ng akin. ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’ ang ginamit kong kanta.

 

Dilim at Ingay

 

Sanay na siya sa dilim. Bombilyang maliit lang kasi ang gamit nilang ipinakikisaksak pa sa kapitbahay na may jumper. Sanay rin siya sa ingay. Sa kanila, kahit hatinggabi’y maraming nag-iinumang di naaawat sa videoke. Sanay na siya.

Ang ikinabubugnot niya’y ang kawalan niya ng magawa sa araw na ‘yon. Nakapangalumbaba siya sa mesa’t nakaupo sa silyang kahoy habang sinasabayan ang awitin sa de-baterya niyang radyo.

Minsan pa ulan,

Tumigil ka’t

H’wag nang tumulo pa…

Masamang araw ito para sa kanya. Imbes kasing naglalako siya ngayon ng gulay, heto siya’t walang magawa. Ano kayang pera ang ipampipila niya bukas sa bigas? Bahala na. May kalahating kilo pa naman yata sila diyan.

Hatid mo ay bagyong

Sumisira sa bahay kong

Natutuklap…

Naisip niyang madasalin siguro’ng mga estudyante. Hindi naman kasi sila pakikinggan ng langit kung hindi sila sabay-sabay nananalanging mawalan ng pasok. Mahirap kaya talaga’ng mag-aral? Mas mahirap pa sa ginagawa niyang paghahanap-buhay araw-araw?

Isang yero’ng humampas sa gilid ng kanilang bahay.

Ang tubig mo’y umaapaw,

Ang bahay ko’y sumasayaw

Sa baha…

Inangat niya ang makakalyong paa’t tinanggal ang mumunting basurang nagsidikit dito. Nayakap niya’ng sarili. Nilalamig na siya.

 

Tuwing umuulan at –.

 

“Gina! Bubong natin, dali!”

Napalundag siya sa kinauupuan. “Opo ‘Nay!”

 

 

Revised edition na ‘yan dahil umabot sa 250 words yung draft ko, e bilang mahigpit si teacher Vlad sa mga lumalampas sa word limit. Sana naihatid ko ang mensaheng gusto kong ipahatid mula sa kwentong ito.

Ginawa ko yan after ng D-cell (Discipleship cell) namin ni naynay Michi. Namomroblema na nga ‘ko dahil gabi na, wala pa rin akong kwento. Pero iba pala talaga ang pasok ng ideya kapag maluwag ang dibdib mo, dahil naihinga mo ang bigat ng ‘yong damdamin sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. July 22, 2008. First D-cell namin ‘yon at sobrang memorable talaga dahil ang dami naming nai-share sa isa’t isa. Kaya naman, I sooper love D-cell! Hehe. And I super love naynay! Iba kapag si God ang nagmi-minister sa inyo habang kayo’y nag-uusap. Iba talaga.

 

 

pahabol-babol: sa Tuesday na ang ikalawang math-giyera ng semester…

sa Wednesday naman ang ikatlo.

at sa Friday ang ikaapat.

Kaya ko ‘to! Hindi ako kakabahan. =>

 

Sige. Hulyo 26, 2008

Isinalansan sa: self — rubie @ 10:03 umaga

 

Masyado na pala ‘kong madaldal. Sige. Tatahimik na lang ako para wala na kayong masabi. Sabi niyo palagi kong kino-condemn lahat ng bagay at palagi akong kontra sa lahat ng sinasabi niyo. Sige. Magsasalita na lang ako kapag sang-ayon din ako sa sinasabi niyo. Never mind hearing what I really feel. Never mind kung ayaw ko sa sinasabi niyo. Never mind kung may iba akong opinyon. Ayaw niyo ng spice sa usapan. Sige. Tatango lang ako kung kelan niyo ‘ko gustong tumango. Sasabihin ko lang lahat ng gusto niyong marinig mula sa ‘kin para walang problema. Sige. Para lang walang f-ship na mawala.

 

 ‘Yan ang laman ng totbabols ko last night, July 25. Bitter. Mabigat ang loob kong umalis ng lib. Siguro nga masyado akong mag-react sa mga bagay-bagay at masyado na ‘kong epal. Dahil dyan naiinis ako dahil iba ang pick-up ng mga tao sa mga nasasabi ko. Lagi daw akong kontra. Siguro nga. Siguro nga trying-hard akong ilabas ang mga ideya kong medyo iba.

Pero muli, kinalma ako ng TataY ko. Sabi Niya, kung si Joseph nga(Gen. 45:5) nagawang intindihin ang mga kapatid niyang hindi siya maintindihan, bakit ako hindi? Ipinaintindi Niya sa ‘king hindi talaga lahat sasang-ayon sa lahat ng pinagsasasabi ko. Sabi pa Niya, it’s just a matter of looking at things the way Jesus would look at them if He’s in my position (in-english pa ‘ko ni TataY). Medyo mahirap ‘yun dahil tao lang naman ako. Pero kaya. At ‘yan ang pag-aaralan kong gawin. I should learn how to control my emotions, kahit gaano pa kaliit na emosyon ‘yan. Sige.

 

tulong. Hulyo 21, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — rubie @ 11:03 umaga

i guess i need someone to help me with my blog’s layout. wala na talaga akong time para sa mga bagay-bagay. at ngayon binibigyan ko na naman ang sarili ko ng dagdag pang gawain. magtuturo ako. ng mga koreans. it seems like they’re very stict when it comes to time pa naman.  bawal ma-late. okay na rin siguro ito para ma-train ko ang sarili kong dumating on-time sa mga dapat puntahan. mahirap man, alam kong kasama ko’ng TataY God ko. i know that He won’t leave me.  at dahil dyan…

hindi ako kakabahan! Go ginggang!

p.s. ang weird ng feeling kapag binabanggit ko ang matagal ko nang di ginagamit na palayaw. :p

 

unang post. yey! Hulyo 19, 2008

Isinalansan sa: self — rubie @ 10:48 umaga

 

totbabolsniginggang – pinabobong spelling ng ‘Thought Bubbles ni Ginggang.’

 

Himayin natin ang title:

 

Totbabols – eto yung mga callouts na makikitang ginagamit sa mga komiks to indicate na iniisip lang ng characters yung mga salita at hindi nila isinasaboses. Lahat naman siguro tayo nakakarelate dito.

 

Alam mo yung commercial ng Piattos kung saan binibigyan ng dialog ng dalawang babae yung dalawang lalaking magkatabi? Noong third year high schools kami, hobby ni Monmonichan na bigyan ng totbabols ang beloved pinsan niyang si ToooT! habang nakaupo siya from afar. Hobby naman namin nina Paupau at Karay na mawalan ng hininga noon dahil sa katatawa sa mga totbabols niya. Masaya siyang hobby lalo na kung bored ka dahil hindi pumapasok ang teacher niyo sa chem na adviser niyo pa man din o kaya ‘pag cancelled ang classes dahil binibigyan kayo ng time para mag-rehearse ng class presentation para sa English Week at ang hinihanda niyo ay isang song interpretation ng Phantom of the Opera na proud na proud kayo sa sobrang kagandahan ng pinaghirapan niyo tapos di rin naman kayo mananalo sa huli.

 

Sorry na. Nag-re-reminisce lang. :o

 

Nga pala, ang gusto ko lang namang sabihin dito ay ginawa ko ‘tong blog na ito upang may mapaglabasan ng mga bagay-bagay na madalas ay iniisip ko lang at hindi ko naisasaboses. Bale, ang blog na ito ang gusto kong tumayong Monmonichan na nag-bo-voice-out ng mga saloobin ko. Pwede ring kayo, mambabasa, ang magsilbing ako si Paupau at Karay na tagatawa (kung nakakatawa man ang mga mababasa niyo rito).

 

Ni – kung Pinoy ka, gets mo na kung anong silbi ng katagang ito. Pero kung hinde, oh well.

 

Ginggang – palayaw ko.

etymology: inggat [ing-gat]. Palayaw ‘yan na binigay sa ‘kin ng Nanay ko, bale lola ko talaga, noong kami’y magbakasyon sa probinsya many many years ago. Baby pa ‘ko nun. Tuwing umuuwi daw si Nanay galling farm paulit-ulit niya lang kinakanta ‘yung word na ‘Inggat’ para tawagin ako. Bilang utu-uto akong bata, lumalapit naman daw ako sa kanya at may pasayaw-sayaw pa!

Hindi ko na alam kung pa’no siya nag-evolve sa pagiging ‘Ginggang.’ Namalayan ko na lang yun na ang tawag sa ‘kin ng mga kabarangay namin. Dahil yata nauso yung kantang “Ginggang gooly gooly wachat. Ginggang goo! Ginggang goo!” na palaging kinakanta ng mga kababata ko pag ako’y napag-ti-tripan. Aminin, alam mo rin yan.

 

Ayun, basta pakiramdam ko ang baho-baho ng palayaw kong ‘yan kaya hindi ko siya ginagamit sa school. Maingat ang Mudra ko ‘pag ina-address niya ako sa school. Dapat Rubie. Dahil kung hinde, tinitingnan ko siya ng masama. Hanggang sa nasanay na nga rin ang mga tao na tawagin ako sa totoo kong pangalan. Tuluyan nang nabura sa eksena si Ginggang.

 

Hindi naman masama ang loob ko kay Nanay kahit siya ang dahilan ng ilan kong kahihiyan noong grade school. Totoo nga niyan, miss ko na siya at kasama sa prayers ko ngayon ay ang makapag-bakasyon kaming lahat sa probinsya next year. At upang ipakitang hindi nga masama ang loob ko, gagamitin ko ang palayaw na ‘yan dito sa blog. Kaya kayo din, pag-iaaddress niyo ko dito, tawagin niyo na lang akong Ginggang. Pero pag asa totoong mundo tayo…uhm… Rubie na lang ulit.